"PUNO"
| Puno, ang mga puno ay napaka-importante sa araw-araw na buhay ng tao at sa mga hayop. Sa puno kumukuha ng mga pagkain na kailangan ng mga tao para mabuhay, maging sa mga kagamitan sa bahay, at tirahan nadin. kagaya ng mga tao, importante din ang mga puno sa mga hayop dahil dito sila kumukuha ng mga prutas o kahit anong pagkain na kailangan din nila upang mabuhay. Puno ang tirahan ng mga iba sa hayop kagaya ng mga ibon nasa puno gumagawa ng pugad para sa mga inakay niya. Noong bata pa ko lagi kong inaakyat ang mga puno na nakatanim sa bakuran ng aking lolo, sobrang sarap umakyat sa puno dahil sa bukod na maganda ang matatanaw ay masarap pa ang hangin sa itaas nito. Ngunit napapansin ko na sa mga dumadaan na taon ay labis na dumadami ang mga kabundukan na nakakalbo dahil sa pagputol sa mga puno at sa pagsusunog dito. Dahil dito gusto ko na maging isa sa mga tao na may kayang protektahan ang puno...